Varyasyon ng mga Terminong Kultural na Pangkabuhayan sa Katutubong Mandaya ng Davao Oriental
DOI:
https://doi.org/10.59120/drj.v9i1.29Keywords:
terminong kultural, terminong pangkabuhayan, varyasyong kultural, wikang MandayaAbstract
Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang varyasyon o mga varyasyon ng mga terminong kuttural na pangkabuhayan tulad ng pagsasaka, pangangaso, pangingisda at paghahayupan na ginagamit ng mga Mandayang matatagpuan sa mga munisipalidad ng Manay, Caraga, Baganga at Cateel ng Probinsiya ng Davao Oriental batay sa kanilang Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) at pagsasalin Sa The Swadesh Word List ni Morris Swadesh. Disenyong Kwalitatibo ang ginamit sa pag-aaral na Ito. Ang paraan 0 metodong indehinus at deskriptibo ang ginamit mula sa paglilikom hanggang Sa pag-aanalisa ng mga datos. Kungsaan, ang mga impormante ay napili sa pamamagitan ng kombinasyong purposive at snow-ball sampling. May varyasyon ang wikang Mandaya sa apat na munisipalidad. Sa kabuuang bilang na 2,402 mga terminong kultural na pangkabuhayan ng wikang Mandayang nalikom, ang terminong pagsasaka ay may kabuuang 195 mula sa Caraga at Manay, 188 sa Baganga, at 182 CateeL Samantalang, sa kabuuan na 142 terminong kultural sa pangangasong nakalap mula sa Caraga, ang mga ito ay pawang may katumbas o katulad ding termino sa Manay at Baganga. Tanging sa munisipalidad lamang ng Cateel ang mayroong apat na katawagang hindi natumbasan nito. Sa kabuuan ding 169 na mga terminong kultural sa pangingisda mula sa Caraga, Manay at Baganga, hindi lahat ng mga ito ay natumbasan sa Cateel sapagkat may dalawang katav•tagan ang hindi nito nahanapan 0 nabigyan ng katumbas. Subalit, ang kabuuang 101 terminong kultural sa paghahayupan ang nalikom mula sa Caraga ay natutumbasan 0 may katulad itong termino sa Manay, Baganga at Cateel.
Downloads
References
Bailey. C. (1973). Variation and Linguistic Theory. Washington DC: Center for Applied Linguistics.
Downloads
Published
Issue
Section
License
Copyright (c) 2013 Raymund M. Pasion, Mary Ann S. Sandoval
This work is licensed under a Creative Commons Attribution-NonCommercial 4.0 International License.
DRJ is an open-access journal and the article's license is CC-BY-NC. This license allows others to distribute, remix, tweak, and build on the author's work, as long as they give credit to the original work. Authors retain the copyright and grant the journal/publisher non-exclusive publishing rights with the work simultaneously licensed under a https://creativecommons.org/licenses/by-nc/4.0/.