Kabisaan ng Sanayang Aklat sa Paglinang ng Filipino 3 (Retorikang Filipino)

Authors

  • Raymund M. Pasion Asst. Professor, Davao Oriental State College of Science & Technology
  • Mary Ann S. Sandoval Assoc. Professor, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology

DOI:

https://doi.org/10.59120/drj.v9i1.31

Keywords:

kabisaan, kagamitang pampagtuturo, retorikang filipino

Abstract

Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito na alamin ang kabisaan ng binuong sanayang aklat para sa asignaturang Filipino 3 (Retorikang Filipino) na ginamit ng mga estudyante sa DOSCST, Lungsod ng Mati, unang semester, taong panuruan 2000. Metodong eksperimental at disenyong kwantitatibong ginamitan ng match grouping ang pamamaraang ginamit sa pag-aaral. Ito ay isinagawa upang makuha ang datos sa pre-test at post-test na ibinigay sa pangkat kontrol at eksperimental. Ginamit din ang binuong kagamitang pampagtuturo "Sanayang Aklat sa Paglinang ng Filipino 3" at talatanungang ipinamahagi sa pangkat eksperimental bilang instrumento sa pagbatid ng kabisaan ng paggamit nito sa pagtuturo. Ang pangkat kontrol at pangkat eksperimental ay walang makabuluhang pagkakaiba sa kanilang natamong iskor sa pre-test. prelim, midterm, at final, na pagsusulit dahil pare-parehong mababa ang natamo nilang iskor. Subalit, may makabuluhang pagkakaiba naman ang iskor sa post-test sapagkat malaki ang natamong iskor ng pangkat na gumamit sa Sanayang Aklat kaysa sa pangkat na hindi gumamit. Samantala, may makabuluhang pagkakaiba ang dalawang pangkat sa kanilang markang natamo (gaining grade) sa prelim, midterm at final dahil malaki ang natamong marka ng pangkat eksperimental kaysa sa pangkat kontrol. Samakatuwid, malaki ang naitutulong ng Sanayang Aklat upang makatamo ng matataas na marka. Kapansinpansin ding mayroong makabuluhang pagkakaiba ang kanilang markang natamo sa asignaturang Filipino 3 dahil mataas ang natamong marka nila sa Filipino 3 kaysa sa Filipino 2. Samakatuwid, higit nalilinang ng mga respondente ang kanilang kabatiran sa Filipino 3 lalo na sa pangkat na gumamit ng Sanayang Aklat. 

Downloads

Download data is not yet available.

Author Biographies

  • Raymund M. Pasion, Asst. Professor, Davao Oriental State College of Science & Technology

    City of Mati, Davao Oriental

  • Mary Ann S. Sandoval, Assoc. Professor, Mindanao State University-Iligan Institute of Technology

    Iligan City

References

Alberto. V. p. 1990. Development and Validation of Self-Instructional Modules for Prospective Science Teachers. Research Journal, Official Publication of the School of Graduate Studies Bukidnon State (BSC), Malaybalay Bukidnon, Vol. X, No. 1.

Downloads

Published

2013-12-04

Issue

Section

Articles

How to Cite

Pasion, R., & Sandoval, M. A. (2013). Kabisaan ng Sanayang Aklat sa Paglinang ng Filipino 3 (Retorikang Filipino). Davao Research Journal, 9(1), 68-78. https://doi.org/10.59120/drj.v9i1.31